ANG LAYBRARYAN SA KASALUKUYANG PANAHON 
Ikapitong Bahagi ng Isang Serye
 
Nakamamangha ang bibliographic powers ng isang laybraryan sa kasalukuyang 
panahon. Ito ang nagbibigay sa kanya ng distinksyon bilang isang propesyunal sa 
larangan ng impormasyon. Tila isa siyang manggagamot na may handang 
preskrispsyon sa sinumang maghahanap ng lunas sa sakit na taglay. 

Nakatutuwa na dina mabilang ang mga datos na kanyang isinulat sa aking library 
card bilang katibayan ng kanyang kagalingan. Tinanong ko siya minsan kung 
nasaan ang mga libro sa Kurikulum at walang pikit mata niyang inilagay ang LB 
1570 at LB 2806.15 na siyang aking ikinagulat. Hindi man lamang niya kinosulta 
o dutdutin ang desk top na may online public access catalog sa kanyang harapan. 
Ang bahagi ng silid-aklatan na ito ay may higit na 4,764 na babasahin o 
information sources sa Edukasyon, at madalas akong bumibisita dito para sa 
aking mga pananaliksik. May mga options pa nga siyang binabangit. Naghahanap 
ako minsan ng mga counseling books at nabanggit niya kung ito ay “counseling 
across all professions” o “counseling for an education course.” Sapagkat sa 
unang nabanggit, ayon sa kanya, matatagpuan ang mga libro sa kabilang silid at 
BF 637 ang klasipikasyon habang ang huli ay dito nga sa seksyon ng Edukasyon na 
nakahanay sa LB 1027.5. 

Siyam kami na nakapila, ikapito ako at nasaksihan ko ang bawat datos na kanyang 
isinusulat sa bawat libary card. Ayon sa kanya, ang LB 1025 ay para sa Teaching 
strategies; LB 3025, Classroom Management; LB 1051, Educational Psychology; LB 
15, Encyclopedia of Education kasama ang mga dictionaries; LB 3051 naman ay 
Measurement & Evaluation. 

Hiningi niya ang aking e-mail address at kung nais ko raw ay padadlahan niya 
ako ng mga e-journals sa Edukasyon na open access, free full-text, quality 
controlled scientific at scholarly journals na isa-isa niyang binanggit na 
aming ikinagalak na marinig dahil libre, pwedeng i-download, buo ang teksto, 
may kalidad at scholarly nga. 

80 porsiyentong literasiya sa L o Education information sources ay sapat na 
upang ikagalak ng mga mambabasa ang kahusayan ng isang laybraryan sa 
kasalukuyang panahon. Sa anumang proseso, kasanayan o serbisyo, tulad sa 
sitwasyong inilarawan, inaasahan na magagampanan ng laybraryan ito ng 
labis-labis at batid niya na nasa tagatangkilik ang pinal na ebalwasyon. 

Kinakailangan ang masusing assessment upang matukoy at malaman ang lawak ng 
kaalaman o kakayahan gamit ang isang rubriko bilang batayan para sa pansariling 
pagsukat, repleksyon at pagsusuri kasama ng iba. 
For previous parts, click 
http://anglaybraryan.blogspot.com/2008_02_01_archive.html


      
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to [EMAIL PROTECTED]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to