ANG LAYBRARYAN SA KASALUKUYANG PANAHON 
Ikasiyam na Bahagi ng Isang Serye 
Walang nakapasa sa ginawang classification literacy testpara sa L o Education 
information sourcesna may 60 porsiyentong mag-aaral mula sa ikadalawang taon at 
40 porsiyento naman mula sa ikaapat na taon sa kursong Edukasyon.  Natamo ang 
65 porsiyento bilang pinakamataas nang puntos o tatlong tamang sagot na lamang 
ang kinakailangan upang maipasa ang nabanggit na literacy test.  Ang pagsusulit 
na ito ay isang parte lamang sa ginagawang pananaliksik tungo sa pagsuri, 
pagkilala upang makamit ang isang hanay ng mga inaasahang kaalaman o learning 
outcomessa pagtantiya sa karunungang mayroon ang mga mag-aaral patungkol sa 
klasipikasyong Library of Congress, lalung-lalo na ang L o klasipikasyong 
Edukasyon sa kanilang pagpili ng mga panggagalingan ng mga impormasyon.
Umaasa ang ACRLo American Library Associationna ang isang indibiduwal na may 
literasiya sa impormasyon ay nakakapili ng pinakatamang sistema sa pagkuha ng 
mga ninanais na impormasyon.  Ito ay isang indikasyong hinihingi sa pagganap ng 
mga pamanatayan ukol sa mga kasanayan para sa Information Literacyat inaasahang 
ipinamamalas na mabuti na may kagalingan ng bawat mag-aaral.     
Natuklasan na isa sa mga pinakamahirap na aytem ay ang pagkaalam sa 
kasalukuyang bilang o dami ng bibliographic entries na mayroon ang 
elektronikong katalogo o talaan sa Edukasyon.  Kasama dito ang pagkaalam din sa 
bilang ng mga sangay ng karunungan na nakaugnay sa klasipikasyong Library of 
Congress; di matunghayang gamit ng I, O, W, X at Y; at interpretasyon ng 
decimal pointsa paghanay ng mga libro at ibang babasahin sa istante.  
Batid ng mga mag-aaral na ang L ay ang tamang letra o klasipikasyon na may 
kaugnayan sa kursong Edukasyon at hindi H - para sa mga agham panlipunan-  o P 
- para naman sa lingguwistika at literatura.  May kamalayan ang mga mag-aaral 
na hindi nahahati sa sampu lamang ang klasipikasyong kanilang nakikita sa 
aklatan bagaman hindi alam na ito ay binubo ng dalampu’t-isang sangay mula sa 
klasipikasyong Library of Congresssapagkat mas hayag sa kanila ang sistema at 
klasipikasyong Dewey Decimalmula elementarya hanggang hayskul.  
Nakatutuwang banggitin na 50 porsiyento sa mga mag-aaral ay alam kung ilan ang 
bibliographic entriesna mayroon ang elektronikong katalogo o talaan ang ALLAN 
C. ORNSTEIN, manunulat ng Strategies for Effective Teaching.  Maging ang libro 
na ang pamagat ay The Magna Carta for Public School Teachersay naihahanay at 
nakapuwesto nga sa LB at hindi sa LA.  
Mahihinuha mula sa dalawampung aytem na inihanda ang mga kahinaan at kalakasan 
patungkol sa kamalayan o kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang pagpili ng mga 
panggagalingan ng mga impormasyon gamit ang L o klasipikasyong Edukasyon. 
Pagpapatunay at bilang isang halimbawa, Teaching Science as Continuous Inquiry, 
Roweay matatagpuan sa LB 1585 ng klasipikasyong Library of Congress habang ang 
Essentials of Elementary Science, Dobeyay nakahanay sa Q 181.  Parehong silang 
nakategorya bilang mga Science information sourcessa DDC ngunit may pagbabago 
kung ang gamit naman ay LC.   
Click for previous parts: 
http://anglaybraryan.blogspot.com/2008_02_01_archive.html


      New Email names for you! 
Get the Email name you've always wanted on the new @ymail and @rocketmail. 
Hurry before someone else does!
http://mail.promotions.yahoo.com/newdomains/ph/
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to [EMAIL PROTECTED]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to