--- On Fri, 10/3/08, Roderick Ramos <[EMAIL PROTECTED]> wrote:

From: Roderick Ramos <[EMAIL PROTECTED]>
Subject: [FilipinoLibrarians] copyright law at ang laybrayan sa kasalukuyang 
panahon
To: [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], 
[EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], 

[EMAIL PROTECTED], "PLAI STRLC"
 <[EMAIL PROTECTED]>, "plai_strlc Moderator" <[EMAIL PROTECTED]>, [EMAIL 
PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL 

PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], "uplsaa2002" <[EMAIL PROTECTED]>, [EMAIL 
PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED], [EMAIL 
PROTECTED], [email protected], [EMAIL PROTECTED],
 [EMAIL PROTECTED], [EMAIL PROTECTED]
Date: Friday, October 3, 2008, 1:19 PM

ANG LAYBRARYAN SA KASALUKUYANG PANAHON 
Ikasampung Bahagi ng Isang Serye 
 
Pinakaiibig ng isang laybraryan ang copyright law ng bansa. Upang maiwasan ang 
anumang uri ng paglabag sa batas, ang Republic Act 8293 ay isang sandigan upang 
maging palagay at walang agam-agam ang laybraryan sa gitna ng pagpapasiya na 
may kaugnayan sa patas na karapatan ng manunulat at ng mambabasa. 

Nakatutuwang pansinin ang bagong video na gawa ng DLSU para sa kanilang library 
orientation na may kaakibat na paalala patungkol sa copyright law. Ito ay 
mapapanood din sa tamang panahon kung bubuksan ang 
http://www.dlsu.edu.ph/library/ at nawa’y tularan ng lahat ng mga nakasaksi at 
maaring tanggapin bilang panimulang pagpapahayag at pakikiisa laban sa walang 
habas na duplikasyon o replikasyon ng mga babasahin (elektroniko man o hindi) 
na ayon sa ilan ay nagyayari dahil na rin sa ito ay ginagawa ng karamihan, 
pagsasamantala dahil walang nakakakita, at minsan lang naman bilang rason ng 
iba .

Maliban sa pagbebenta ng manlilikha o ng isang tagalimbag, ang pagpapaalam, 
pagsusupling o pagpapahiram sa publiko ng isang orihinal na kopya ay isang 
paraan na rin upang tangkilikin ang pagkabuo ng isang akda. Ang mga laybraryan 
taglay ang yaman ng silid-aklatan, gamit ang kanilang sining at disiplina, ay 
may laang proteksyon sa mga orihinal na akdang intelektwal sa artistikong 
larangan o pampanitikan gawa man ito ng gobyerno, isang indibiduwal, may 
kasugpong sa pagsulat o kolektiv at iba pa.

Mainam na basahin muli ang kabuoan ng Intellectual Property Code of the 
Philippines o Republic Act No. 8293 na maaring matagpuan sa 
http://www.photo.net.ph/ipcode/ at bigyang pansin ang Section 188 patungkol sa 
Reprographic Reproduction by Libraries. 

Mula sa mga pamantayang nakalagay sa kanilang web sites, apat sa sampung 
unibersidad sa Pilipinas ang hindi pumapayag sa pagseroks ng mga di-nalimbag 
tulad ng tesis at disertasyon (SPUQC;ISU;ADNU;TUP) habang dalawa dito ay 
pinahihintulutan ang kanilang mambabasa na makapagseroks ng abstract, review of 
literature, at bibliography o ng labinlimang pahina lamang mula dito para sa 
mga mananaliksik mula sa graduate program (UPLB;UST). Apat sa kanila ay 
nagbibigay ng oras upang makapag-photocopy ang kanilang kliyente sa loob ng 
labinlimang minuto (BulSU); tatlumpung minuto (TUP;ISU); at isang oras (CDU). 
Limitado rin kung djornal naman. Dalawang artikulo lamang sa bawat isyu (IRRI) 
at sampung porsiyento naman ng libro ang pwedeng iseroks (SPUQC). Isa sa sampu 
ay kawani ng silid-aklatan ang nag-seseroks at hindi ang kostomer o ang 
sinuman. 
 
Click for previous parts: 
http://anglaybraryan.blogspot.com/2008_02_01_archive.html

New Email addresses available on Yahoo! 
Get the Email name you've always wanted on the new @ymail and @rocketmail.
Hurry before someone else does!

--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to [EMAIL PROTECTED]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to