ANG LAYBRARYAN SA KASALUKUYANG PANAHON 
2008 Nobyembre 5                                   11
Bahagi     _____I Serye 
Ang library poverty ay bunga rin ng
inobasyon. Ayon kay Luecke (2003), ang inobasyon ay maaring makasira sa
kadahilang maraming institusyon ang hindi nagtatagumpay na makasabay sa
mga inobasyon at nawawala na lamang unti-unti na siya namang
pinatotohanan ng Harvard Business Essentials (2003). 

Isang
halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga elektronikong dyornal sa mga
silid-aklatan. Kakailanganin ng isang pang-akademikong silid-aklatan
ang higit sa sampung libong dolyar o limang daang libong piso para
magkaroon ng elektronikong dyornal sa pamagitan ng isang pagtutulungan,
alyansa o consortium ng limang pampublikong
paaralan. Maliban dito ay ang pagbabayad ng karagdagang limang
porsyento o 480 na dolyares o mahigit na dalawampung libong piso kada
taon upang magkamit ng karapatang makapagbukas, makapag-eksplor at
makagamit ng pangkasalukuyang bilang na 175 na elektronikong dyornal na
gawang banyaga. 

Pagtuunan ng pansin: pitong porsiyento lamang sa mga elektronikong dyornal na 
nakalista ang may kaugnayan sa Health Care Management, walo para sa Education 
Management at 85 ay Business, Management at Information Technology.
Ang mga naunang nabanggit na porsiyento ay napakaliit sa inaasahang
benepisyo na matatangap o siyang tutumbas sa halagang igugugol sa mga
elektronikong dyornal ng mga paaralang ang konsentrasyon ay edukasyon
at kalusugan. 

Halos lahat ay walang sapat na badyet para sa sa mga elektronikong database at
ito ay nabanggit minsan ni Hickok (2007) mula sa daan-daang panayam na
kanyang nagawa . Kahit na nga ang isang koleksyon na nagkakahalaga ng
4,050 na dolyares o 186,300 na libong piso para sa labing-apat na
elektronikong dyornal pangkalusugan at medisina ay di mabibili para sa
aming kliyente dahil sa mayroon lamang kaming 67 posiyento nito na
nakalaan para sa e-journals at di pa kasama dito ang nabanggit na limang 
porsiyentong dagdag bawat taon na 202.50 na dolyares o 9, 315 na libong piso.

Mahigit
labingtatlong libo o 289 na dolyares bawat dyornal na lubhang
napakamahal kumpara sa kopyang papel na hinahahanap ng 9 sa sampung
mananaliksik sa silid-aklatan tubing Sabado. 

Tinanong ko minsan ang isang BSE na mag-aaral na naghihiram ng libro patungkol 
sa saligang batas.  Nakagamit ka na ba ng e-journal? "Di pa po!  Ano po yon? 
First year pa lang po ako!" tugon niya.


Click for previous job
notices: http://weeklyjobnotices.blogspot.com/
Click for: http://anglaybraryan.blogspot.com/
Click for: http://www.ramospnulisaainc.blogspot.com/
Click for: http://libraryseminarsworkshopsfora.blogspot.com/
Click for: http://pnulibrarychronicle.blogspot.com/
Click for: http://www.sagadabackpackers.blogspot.com/
Click for: http://librarysciencealumniofpnu.blogspot.com/
Click for: http://pnulibraryinfoscience.blogspot.com/
Click for: http://lovealibrarian.blogspot.com/
Click for: http://filipinolibrarian.com..ph
Click for: http://peachydownunder.blogspot.com/
Click for: http://paarl.wikispaces.com/
Click for: http://www.nlp.gov.ph/plai/
Click for: http://patls.org
 
Ramos says, "Thanks to
e-groups!"



      New Email names for you! 
Get the Email name you've always wanted on the new @ymail and @rocketmail. 
Hurry before someone else does!
http://mail.promotions.yahoo.com/newdomains/ph/

/


--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to [EMAIL PROTECTED]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to