Ikalawang Bahagi ng Ikalawang Serye (II: 2, 2009 Pebrero 15)
Pagiging reflektibo, kritikal at otentikong pagkaranas ang maaring idulot sa
mga laybraryan ang pagkakaroon ng mga handang portfolio bilang durungawan o
batayan ng mga serbisyong ihahandog ng laybrari kaakibat ang masusing
ebalwasyon lalung-lalo na ng mga tumatangkilik dito. Halimbawa, maaaring isa
itong pag-aanunsiyo at pagtawag ng sampung masugid na mambabasa upang makiisa
bilang lupon na mangangatwiran, magbibigay ng puna o marka sa anumang programa
ng laybrari gamit at isinasaalang- alang ang apat na mahahalagang proseso –
koleksyon, organisasyon, refleksyon, at presentasyon (Wyatt III and Looper,
2004).
Lubhang napakahalaga dito ang pakikipagtalakayan at paglilista ng mga datos sa
ikagaganda ng portfolio at ikalalago ng laybraryan bilang tagaplano.
Tinutulungan ng lupon ang laybraryan sa kanyang pansariling repleksyon upang
makabuo ng isang mabuting portfolio – alternativong asesment at may kalidad na
pamamaraan - ng mga isasakatuparang mga gawain ng laybrari.
Nasasalamin sa portfolio ang pilosopiya, lalim ng pananaliksik, karanasang may
interaksyon, piling mga aktividades, mga layunin ng laybraryan bilang isang
propesyunal na individuwal na ang nais ay ang matagumpay na laybrari para sa
kanyang komunidad na pinaglilingkuran.
Una sa lahat, malaya ang laybraryan sa anumang komposisyon o laman mayroon ang
kanyang portfolio salik dito ang kanyang kakaibang gamit ng imahinasyon at
pagkamalikhain kasama ng mga ebidensya, materyales o artifacts ng mga naganap,
ginagaganap at ihahain pa lamang. Kakaiba ang portfolio ng isang espesyalista
tulad ng laybraryan kumpara sa mga popular na nalalaman - elektroniko man o
hindi – sapagkat ito ay hypermedia, may onlayn at tradisyunal na pagmumulan.
Pangalawa, pinakamainam na matanto ng laybraryan kung kahanga-hanga o hindi
kaiga-igaya ang gamit niyang refleksyon sa ebidensya, materyales o artifacts ng
mga naganap, ginagaganap at ihahain pa lamang ng kanyang portfolio.
Kinakailangang pagtuunan ng pansin at balikan ang pinakadahilan kung bakit
isinasailalim ang sarili sa paghahanda ng isang portfolio. Ito ay ang ikagalak
ng puso ang katagumpayang natamo at magamit ito bilang inspirasyon o batayan
para sa pagpaplano sa hinaharap. Matatagpuan sa portfolio ng laybraryan ang
kahapon, ngayon at bukas ng isang laybari ng kasalukuyang panahon.
I AM PAARL!
February 5 (Thursday, 1 pm) is PAARL’s Professionals’ Best 1st Public Forum on:
Assessment Techniques and Principles in Applying Standards for Academic
Librarie” with topics and speakers namely: Accreditation/ ISO Standards -Dr.
Teresita G. Hernandez; IQuaME/CHED RQUAT Standards-Mrs. Corazon M. Nera;
PRC-BFL Standards for Academic Libraries-Ms. Elizabeth R. Peralejo & Ms. Elnora
L. Conti; and PAARL Standards 2000: is there a need to update?-Ms. Fe Angela M.
Verzosa.
Enjoy more chat on blogs and websites. Experience it with the Online
Pingbox Creation Wizard. http://ph.messenger.yahoo.com/pingbox/
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to
[email protected]
For more options, visit this group at
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---