Ikawalong Bahagi ng Ikatlong Serye (III:8, 2010 Agosto) 
Gumon sa Mga Elektronikong Deytabeys

Sabagay
masuwerte ang laybraryan at mayroon siyang pangmatagalang akses sa mga
pagmumulan ng impormasyon, di o elektroniko man. Maari itong isang buffetng 
iba't-ibang pagpipilian at pagkukunan na tunay nga namang skolarli,
sayantifik, at may kalidad. Sino ba ang di mabubusog sa isang
napakalubhang paghahanda na maihahalintulad sa isang piging? Ang mga
bahay-pahina, http://www.dlsu.edu.ph/library, http://ilib.upd.edu.ph/, 
http://rizal.lib.admu.edu.ph/, http://library.ust.edu.ph/, ay nilahukan
ng iba't-ibang putahe na otoriteytiv at, lejitimeyt na mga onlayn o
elektronikong durungawan:

Halimbawa: kung ang interes ay may
kaugnayan sa marketing na isang aspeto ng laybrari, ilan sa mga hain at
madudungaw mula sa mga e-hapag ay ang mga sumusunod na hits o bilang kasama ang 
mga napiling mga artikulo at isinaliksik noong Agosto 1:

(15) ERIC®, The secret of library marketing: make yourself indispensable.
Block, Marylaine. American Libraries 32(8) : September 2001 (p48-50):
ayon dito natatangap ng mga maimpluwensiyang tao ang laybrari bilang
sanggunian sa mga pagpapasiya na may kinalaman sa pagpapalago ng
komunidad.

(61) MAS Ultra™ -- School Edition, The house brand.
Circle, Alison; Bierman, Kerry. Library Journal 134(11) : June 2009
32p. (4): mas personal na paglilingkod at aydentiti ang maaring
itaguyod sa pag-formula ng isang planong pang-marketing.

(84)
Business Source® Complete, Does your library have an attitude problem
towards 'marketing'? Revealing inter-relationship between marketing
attitudes and behaviour. Singh, Rajesh. Journal of
Academic Librarianship. 35(1) : January 2009 25p. (8): isa itong
pagtatangka upang matuklasan ang koneksyon ng pag-uugali o gawi ng mga
laybraryan at kanilang palagay patungkol sa marketing o marketing attitudes at 
behaviour of librarians. 

(38) Proquest ABI/INFORM Global™, A study for university library marketing 
indicators model in digital age.
Mu-Chen Wu, Ling-Feng Hsieh. The Business Review 10(1) : July 2008
165p. (5 pages): ang marketing sa laybrari ay di patubuan, di tulad sa
mga negosyo; sa paggamit ng mga prinsipyong mula sa marketing,
mababatid ang iba’t-ibang pagnanasa ng mga mambabasa sa impormasyon at
kung paano mapapaigting pa ang katuwaan ng mga tagatangkilik sa uri ng
paglilingkod mayroon ang mga kawani ng laybrari.

(22)
ProQuest Education Journals, What do librarians think about marketing?
A survey of public librarians’ attitudes toward the marketing of
library services. Marilyn L Shontz, Jon C Parker, Richard
Parker. The Library Quarterly 74(1) : January 2004 22p. (63): mas
maraming positibo ang palagay ng mga administreytor sa laybrari at iba
pang laybraryan na nagkaroon ng kurso o workshop patungkol sa marketing
at mungkahi nila ay ang mas mataas na pangangailangan nito sa laybrari.

(22) Emerald Journals, Defining market orientation for libraries.
Barbara Sen. Library Management 27: 2006, isa itong paglalahad ng
pagtanggap ng mga laybrari at laybraryan tungo sa oryentasyong
pang-marketing.

Bilang isang malaki at eat-all-you-can deal na
inihanda para sa lahat ng departamento ng akwisisyon, inaasahan ang
isang kliyente mula sa kabilang pamantasan na idulog niya ang pagnanais
na makatanggap rin ng e-artikulo na Self-esteem, performance, and satisfaction: 
some tests of a theory ni Greenhaus at Badin mula sa Journal of Applied 
Psychology  sa kanyang laybraryan upang maganap ang document delivery service 
nito. Ito ay nasasaklaw sa lisensya na itinakda sa pagitan ng mga
tagapaglikha, naglilimbag, tagapaglagak o probayder ng nilalaman at ng
mga tagapamahala ng laybrari. Nakakabahala kung magpapasiya ng malayo o
labas sa mga nakasaad sa napagkasunduan ng dalawang panig lalo na kung
elektronikong deytabeys ang pinag-uusapan. Di tulad ng printed na
materyal, hindi produkto ang maihahatid kundi serbisyo na hayag sa mga
mga tagapaglikha, naglilimbag, tagapaglagak o probayder ng nilalaman at
ng mga tagapamahala ng laybrari o ang tinatawag na mga kasapi ng information 
value chain (Ball, 2006).


Ang
manunulat ay may masidhing kagalakan sa paggamit at pageeksplor ng mga
elektronikong deytabeys mula sa mga durungawan ng mga laybrari na
mayroon ang apat na pamantasan: De La Salle University (Tat Avenue,
Manila), Ateneo de Manila University (Quezon City), University of Santo
Tomas (Espana, Manila) at University of the Philippines (Diliman,
Quezon City). 


      New Email addresses available on Yahoo!
Get the Email name you've always wanted on the new @ymail and @rocketmail. 
Hurry before someone else does!
http://mail.promotions.yahoo.com/newdomains/ph/
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/FilipinoLibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to