Ikasiyam na Bahagi ng Ikatlong Serye (III:9, 2010 Setyembre) 

Si LORA Ayon kay G. Roderick

Isang avatar at virtuwal na aykon si LORA, library’s online reference assistant 
ng DLSU, ay isang espesyalista at tutugon ng mabilis at tamang-tama sa bawat 
tanong at pakiusap mula sa mga indibiduwal na kasapi sa global na nayon na 
ating kinabibilangan na siya namang maasahan ng lahat. Mataas ang literasiya sa 
impormasyon ni LORA. 

Ask LORA ay matutunghayan sa bahay pahina ng DLSU, 
http://www.dlsu.edu.ph/library/, ay isang palingkuran ng pamantasan para sa 
laybrari. Sa seksyon ng Information-Reference, onlayn man o hindi, aasikasuhin 
ni LORA ang mga tanong pagtatanong at pag-uusisa na masasagot at maihahatid ng 
mga pagmumulan, elektroniko man o hindi, patungkol sa laybrari at kanyang 
kasaysayan, Current Awareness Bulletin Service , Library Orientation 2009, mga 
tutoryal, Wireless Access, Newsette, konsorsya, Guidelines for Visiting Users, 
deytabeys at WebOPAC , DLSU PULSE (Philippine University Library Search 
Engine), Pathfinder at iba pang kasangkapang pangreferens at talasanggunian, 

(1) Bukaspalad o handa si LORA na tugunan ang pangangailangan ng kliyente sa 
wastong-wastong impormasyon at makamit ito ng madalian at sa maiksing panahon 
lamang. Di paghihintayin ni LORA ang sinuman. 

(2) Magsisilbi si LORA bilang tagapagbigay ng direksyon sa lahat ng di 
makasumpong ng solusyon sa anumang bagay na hinahanp. Gagawa at mag-aalay ng 
mga paraan si Lorna.

(3) Sanay makinig si LORA at may laan siyang isang interaktibong lugar upang 
ang lahat ay makapagsalita at makapagbigay ng opinyon o ideya at maramdamang 
kinakalinga. Ginagamit ni LORA ang mga pagmumulan at pagdadaluyan ng 
impormasyon bilang isang espesyalista tungo sa mabuting pamumuhay ninuman.

(4) Aumang oras at kahit saan, si LORA ay matatagpuan at makakausap. Hindi siya 
nagtatago, natutulog o nagpapahinga bagkus laging gising, nakagayak at galak na 
galak sa pagdulog ng bawat isa ng kanyang ninanais na impormasyon. 

Nararapat na ipaalala na mataas ang literasiya sa impormasyon ng ating 
laybraryan na si LORA. Nasusuring mabuti ni LORA kung anong impormasyon ang 
hinahangad, nauunawaan ang kabuoan nito, nakikilala niya ang mga 
pinakamahuhusay at alam ang pagkukunan ng impormasyon, iniibalweyt ang mga 
pinanggagalingan lahok ang malalim na pagpuna, at inihahatid o ibinabahagi ang 
impormasyon (http://www.webs.uidaho.edu/info_literacy/).

May kaaya-ayang personalidad si LORA. Maparaan, matalino, may kagandahan, pino 
sa kilos, salita at gawa at higit sa lahat siya ay isang open communicator. 
Tanggap niya ang sinuman. Di siya namimili ng kausap o mapagkunwari sa gawi. 
Iginagalang niya ang bawat isa at pinahahalagahan maging mga simple, ordinaryo 
o payak na pag-uusisa sa impormasyon ng kanyang mga kliyente. Otentiko ang 
kanyang pagnanais na makapagbigay ng tulong kaya naman pinag-aaralan niya ng 
lubhang mahusay ang anumang datos o pangyayari na may kaugnayan sa pagpapalawig 
at pagpapabuti ng kanyang relasyon sa sinumang dumarako sa kanyang tanggapan 
para sa impormasyon. 

Ang Ask/Chat LORA ay isang serbisyong pang-aklatan na mayroon ang laybraryan 
para sa kanyang mga mambabasa o tagatangkilik. Bahagi sa mga gawain ng 
laybraryan ay ang mga malikhaing pamamaraan upang maganyak ang mga tao na 
hanapin at tugunan ang mga pangangailan sa impormasyon saan man sila naroon. 
Hinahayag ito ng mga manggagawa ng mga silid-aklatan bilangreaders services.

Nawa’y pakatatandaan ng bawat laybraryan, tulad ni LORA, na ang karamihan sa 
ating mga tagatangkilik ay may kakaibang ekspektasyon - format agnostic, 
nomadic, multitasking; paraan sa pagkatuto - experiential, collaborative, 
integrated; at paniniwala - principled, adaptive, direct sa paggamit ng 
impormasyon (Abram at Luther, 2004).


Ang manunulat ay bahagi ng dalawang grupo na tinatawag na creators ni LORA at 
koordineytor para sa pagbuo ng isang virtwal na library tour. 
________________________________
Interested in growing your business? Find out how with Yahoo! Search Marketing!
________________________________
Try the new Yahoo! Messenger 9.0 It is finally here!


      
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/filipinolibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to