Ikasampung Bahagi ng Ikatlong Serye (III:10, 2010 Oktubre) 
Bien, Bien sa Laybrari ng DLSU

Terapyutik
ang tagiktik ng musika sa espasyong ito ng laybrari para kay Bien
(1911-1996). Dito maaring makaniig ng mambabasa, mapanood at marinig
ang walumput-limang taong gulang na manunulat na hayag ang kanyang mga
sentimiyento, hiling at hangad na masasalamin sa kanyang mga naisulat –
bahagi na ng Panitikan ng Pilipinas sa Wikang Ingles.

Dalawa sa kanyang mga nobela - What the hell for you left your heart in San 
Francisco at Villa Magdalena- ay kasalukuyang on-loanhabang tatlumput-walo ang 
aveylabol na masusulyapan sa http://lib1000.dlsu.edu.ph/search/a na mayroong 63 
porsyentong HIGHLY
RELEVANT ENTRIES; 14, MOST RELEVANT ENTRIES; at, 23 na RELEVANT
ENTRIES. 

May kalungkutang hatid, kita sa dingding at naiilawan ang ikalawang taludtod ng 
tulang Paper Boat Poems na pinamagatang Maiden Voyage mula sa popyular niyang 
Scent of Apples: A Collection of Short Stories (1979) at ayon ditto ay di 
kailanman kaya ng isang bangkang papel na maihatid pabalik sa kanyang tahanan 
ang wala nang buhay.

Nakakahon sa glass ang kanyang clay bust at sa ilalim nito ay ang kanyang mga 
obra -   mga nobela, The Volcano (1965); Villa Magdalena (1965); The Praying 
Man (1977); The Man Who (Thought He) Looked Like Robert Taylor (1983); at What 
the Hell for You Left Your Heart in San Francisco? (1987; mga tulaThe Wounded 
Stag (1956); Distances in Time (1983); koleksyon ng mga maikling katha, Scent 
of Apples; Memory’s Fictions: A Personal History (1993), Postscript to a 
Saintly Life (1994), Letters: Book 1 (1995) at Book 2 (1996). 

Labing-anim
(16) na libro lamang ang kinakailangan upang makitaghoy, damhin ang
dalamhati, maging mausisa sa mga sentimyento, hiling at hangad ni
Manong Bien: apat (4) ay otobayograpiya; dalawang (2) koleksyon ng mga
tula; limang (5) koleksyon ng mga maiikling kuwento tulad ng You Lovely People 
(1955), Brother, My Brother (1960), The Day the Dancers Came (1961), at Dwell 
in the Wilderness (1985); at limang (5) mga nabanggit na nobela.

Ang pagkakataong mabasa ang librong isinulat ni Isagani R. Cruz na may pamagat 
na The Lovely Bienvenido N. Santos ay paghahandog ng oras upang makilala ng 
lubusan ang isang pensyonado
ng kanyang panahon. Mga siyamnapung porsyento sa aklat na ito ay mga
salita mula mismo kay Ginoong Santos (WikiPilipinas). Malalaman din
dito ang nakatutuwang sagot ni Bien kung bakit di siya nagawaran bilang
isang National Artist, at anong nobela ang naghatid sa kanya upang manatili sa 
Estados Unidos upang maiwasan ang posibleng pagka-aresto. 

Nabanggit
ni Bien kay Fabia na ang mga babae sa Pilipinas ay may takot sa Diyos,
tapat, mahinhin at mabubuti. Maiinam na mga salita at kapahayagan
lamang ang mahihinuha sa mga pagsasalarawan ni Bienvenido Nuqui Santos
patungkol sa kapwa Pilipino at sa bayang Pilipinas. Di mararamdaman o
mapapanagimpan ang anumang anyo ng poot o galit bagkus pagkalinga,
pagbabalik-tanaw o paglalambing sa angking nakaraan o kanyang pangarap
o nais na maunawaan. (I want to be understood -Bienvenido N. Santos)

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam?  Yahoo! Mail has the best spam protection around 
http://mail.yahoo.com 
--~--~---------~--~----~------------~-------~--~----~
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected]
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected]
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/filipinolibrarians?hl=en
-~----------~----~----~----~------~----~------~--~---

Reply via email to