Bukas Na (Huwebes, Mayo 19)! PAARL's Bibliotherapy 2-Day Modular
Training Program
Sa Superbranch, National Bookstore, Cubao, Q.C.
Maari pang magpa-register!
Open To All, Text to Register, 09187318010
Get a Gift from us...
Be members of PAARL & receive discounts. Ask for a souvenir pin and an
ID



Maari pang lumahok... Dumako ngayong Huwebes (Mayo 19-20,2011) sa
Librarians' Center of the National Bookstore Superbranch, Cubao,
Quezon para sa PAARL Academy's 2-day Modular Training Program on
Bibliotherapy Services through Book Prescription Shops in Libraries &
Information Centers.  Ang rehistrasyon ay magsisimula ng ika-9 ng
umaga pati na ang Book Selection sa NBS.  Hinihikayat ang mga lalahok
na magdala ng Cicrulation Statistics at ihanda ang sarili sa
pagsasanay...  Para sa imbitasyon: 
http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/bibliotheraphy-training-invite
Sunday, May 15, 2011
Bibliyoterapiya, Isang Library Innovation ni G. Roderick Baturi Ramos

Lakip ditto ang isang kopyang pdf o iklik din ang:
http://www.slideshare.net/ramospnulisaa/bibliyoterapiya-isang-libraryinnovationnigroderickbaturiramos
o basahin rin sa aking blog: 
http://iampaarl.blogspot.com/2011/05/bibliyoterapiya-isang-library.html

Ayon sa ppt. nila Dr. Dale Pehrsson at Dr. Paula McMillen, ang
bibliyoterapiya ay may mga ngalang tulad ng mga sumusunod:

bibliocounseling, bibliopsychology, bookmatching, literatherapy,
library therapeutics, guided reading, biblioguidance.

Nakakatuwang banggitin isa-isa ang mga ito at ang lahat ng mga ito ay
pumapatungkol sa isinaad na ang bibliyoterapiya ay “Treatment through
books” (Pardeck & Pardeck , 1998) o kaya naman ay “Therapeutic use of
literature” (Cohen, 1993).

Isang kalusog-lusog na lugar para sa kaluluwa ang laybrari at
nagdudulot ito ng katarsiya sa sinumang dumadako at magbabasa dito.
Ang pagbabasa ay isa sa mga nangungunang terapyutikong gawain
pangalawa sa pisikal na pag-eehersisyo bago pa man nauso ang mga
aklatang inilaan para sa mga pasyente ng mga ospital. Natayo ang mga
laybraring pampasyente upang aliwin at iengeyj ang mga ito sa pag-
iisip sa mga positibong bagay habang may dinaramdam o habang nanatili
ng may katagalan sa mga pagamutan. Aktibo ang American Library
Association o ALA at naniniwala rin ito na malaki ang maitutulong ng
bibliyoterapiya sa agad-agad na paggaling ng may sakit. Tuluyang
nagamit ang instrumentong ito noong panahon ng digmaan na kung saaan
ang mga laybraryan ay makikitang nagbabasa ng mga libro sa mga
sundalong naging biktima dulot ng karahasan ng World Wars.

Sa Britanya, isa ang mga laybraryan (20%) sa mga grupo ng propesyunal
ang lumalahok ng bibliyoterapiya sa kanilang trabaho at mas malaki ang
porsyento kumpara sa mga nasa social working (10%) at mga nars (11%).
Ito ay ayon sa sarbey na ginawa ni Forrest noong 1998. Nagkamit ang
mga sikolohista ng 57 na porsyento.

Ang biblioterapiya ay ikinukunsidera kong isang library innovation.
Pansinin natin ang mga ibinabanderang mga serbisyo sa buong mundo
ngayon. Dalawin natin ang ilang websayt ng mga laybrari.
Ang University of Nevada ay may BEP o Bibliotherapy Education Project.
Naniniwala ang unibersidad sa labis na kapangyarihan ng literatura at
mga salaysay o kuwento bilang terapyutikong kasangkapan. Nakalaan ang
kanilang panahon upang iasist ang sinuman tungo sa epektibo at at
mahusay na paggamit ng literatura sa kliyente bilang terapiya.

May Book Break na tinatawag ang Chelsea Library. May handog rin silang
mga libreng biskwit at kape sa mga makikipagtalakayan lingo-lingo sa
nabanggit na silid-aklatan ng UK. Ang Book Break ay isang libreng
paanyaya sa lahat na makinig sa mga mabubuting literatura mula sa
grupong magbabasa at ninanais makapagbigay ng kakaibang paraan para sa
kakaibang karanasan sa mga dumadako at di pa nakakadako sa Chelsea
Library.

Mahihinuha mula sa pananaliksik ni Brewster (2007) na ang aklat o
babasahin ay medisina para sa kaluluwa at kaya naman ang taguri sa
laybrari ay isang parmasiya na maaring pagkunan base sa mga
preskripsyong payo ng mga laybraryan, sikolohista at iba pa.

May mga bibliotherapist ang mga laybrari sa UK. Kinikilala nila ng
kaunti ang kliyente bilang indibiduwal. Nakikipag-usap sila at
tinatanong kung ano ang gustong-gustong basahin ng kliyente,
ipinapaalam sa mga ito ang kainamang makilala at mapahalagahan pa ng
husto ang mga lokal na layrari, at kasamang hinahalughog ang mga ito
para sa mga babasahing ikatutuwa ng mga kliyente. Kaakibat dito ang
pagbubuo ng mga grupo upang mag-usap-usapan patungkol sa nabasa at
magpahi-pahinga habang mayroong isang tasa ng tsaa o kape sa harapan o
sa mesa.

Nasimulan noon pa man ng mga laybrari at laybraryan ang mga gawaing
may kaugnayan sa bibliyoterapiya at maaasahang higit pa sa nangyari
noong 1930 ang matutunghayan sa kasalukuyang panahon: to compile lists
of written material that helped people modify their thoughts,
feelings, or behaviors for therapeutic purposes, with the assistance
of counselors “prescribed selected literature for aptrons experiencing
problems (Pardeck, 1994).

-- 
You received this message because you are subscribed to the Google Groups 
"Filipino Librarians" group.
To post to this group, send email to [email protected].
To unsubscribe from this group, send email to 
[email protected].
For more options, visit this group at 
http://groups.google.com/group/filipinolibrarians?hl=en.

Reply via email to