Greetings brothers! Habang karamihan sa atin ay abala sa pulitika, negosyo, pamilya at ang nakakabahalang H1N1 virus, marami ding kababayan natin sa malayong sulok ng bansa ang walang panahong maguluhan sa bulok na sistemang pulitikal.. Wala ring paraan upang magtaguyod ng sariling pagkakakitaan.. Ang pamilya na siyang sentro at haligi ng lipunan ay unti-unti nang nawawalan ng lakas.. Wala ng sakit na maaari pang tumakot sa kanila maliban sa sakit ng kawalan ng pagasa...
Nakita ng mga mata ko ang katotohanang ito sa Northern Samar.. Sa gitna ng mga komunidad na ang tanging pag-asa ay nakasalalay sa mga taong may mabuting kalooban, makakalimutan mo ang sariling problema, kahit gano man ito kabigat.. Kung kaya, heto ako ngaun at kumakatok sa puso ng bawat isa.. Anu mang bagay na maaari nating ibahagi sa kapwa, maging pinaglumaang damit o sapatos, lumang libro o globo, maayos o sirang kompyuter, maging magagandang idea na makakatulong upang mapagkunan ng pagkakakitaan, ay malugod kong tatanggapin sa ngalan ng SHIFT foundation na nakabase sa Northern Samar at pinangangasiwaan ng mga RSCJ sisters.. Sa bawat ipapamahagi ninyong kagamitan o pera, wala po akong kapalit na maipapangako kundi mga panalangin ng pasasalamat.. Mabuhay ang spiritu ng pagbibigay at kaisipang boluntarismo!! www.shiftrscj.org
