Bros. (lalo na sa mga administrators ng Squid),

Hope meron na talagang makakatulong sa akin dito. Alam ko maraming
magagaling sa Linux at particularly sa Squid Caching Proxy dito. Share niyo
naman ang knowledge niyo paano i tweak or pabilisin isang Squid Caching
Proxy server. Matagal ko ng gustong mag-improve ang caching proxy
performance namin. Nag-se-reseach ako online pero walang latest na
information. Meron man luma na at masyadong technical para sa akin.
Hopefully meron magkapag-share dito at yung i-share niya e madaling i
implement. Yung magiging discussion dito ay para sa ating lahat na meron
ginagamit na ganitong technology. Alam ko makikinabang din ang iba dito sa
thread subject na ito. Hope kahit busy kayo please share your knowledge
naman.

Oo nga pala. Nag-search na ako sa database ng plug pero wala parin akong
makitang thread subject na patunkol dito. Actually nakita ko pala ang post
message query ko rin dati patunkol dito pero walang sumagot. Kanina lang
halos maghapon akong nag-search online using google.com, teoma.com, at
mamma.com pero talagang wala akong makitang matinong (para sa akin) na
documentations patunkol dito. Also ang mga Linux Journal na magazine ko dati
kinalkal ko tuloy baka meron informations na makakatulong sa akin pero wala
rin. Mukhang nag-a-aksaya ako ng time at sumakit na ang mata ko sa
kaka-search kanina. Kaya nai-isip ko tuloy na humingi ng tulong dito. Hope
meron na talagang makasagot at hindi masyadong technical ang i-share pero
effective information patunkol dito.

Pati sa mismong www.squid-cache.org, visolve at ibang sites nakapunta ako
pero wala parin. Meron bayad na yata talaga ang ganitong informations. Also
sa forum ng squid narin nakapunta ako pero hindi parin malinaw sa akin ang
mga nabasa kong informations.

Sorry sa long post at parang telenobela na ito. :D


-- 
Systems Administrator
---
1 Timothy 4:8
For bodily exercise profiteth little:
---
http://www2.mozcom.com/~froilanr
_________________________________________________
Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List
[email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph)
Read the Guidelines: http://linux.org.ph/lists
Searchable Archives: http://archives.free.net.ph

Reply via email to