Noong Miy, Hul 14, 2004 ng 11:30:19AM +0800, sinabi ni Paolo Vanni M. Ve�egas:
> Quoting Bopolissimus X Platypus <[EMAIL PROTECTED]>:
> > Can anyone point me at how to do that?  I'll be googling too.
> 
> Ah, I've had the same problem for years. It's silly for Unix to be this
> charset-centric. Hmp. I've never found a clean system-wide solution yet, but 
> in
> Emacs, you can install Leim (by RPM or some other advanced package manager,
> hopefully, otherwise you'd have to recompile from source...) and use some
> alternative input method (C-\). For the Latin postfix IME I use, I can type in
> tilde ('~') and then some appropriate character, say 'n', and it gives me the
> corresponding stroked/accented (?) character, '�'.
> 
> If you do find a general solution, please tell me.

Medyo nahuli itong sagot na ito, pero tiyak ako na maraming makikinabang dito.

Ang pangkalahatang sagot dito ay ang pag-gamit ng akmang keymap sa
console at sa X. Ang pinakamadaling gamitin dito ay ang "US
International keymap with deadkeys". Iba't ibang paraan ng pagayos
nito ayon sa pamudmod at kapaligirang gamit ninyo.

Sa console, may ilang mga bagay na dapat nakaayos bukod sa keymap o
pagkaayos ng tiklado. Kailangan din na charset na magpapakita ng enye
(��) at ibang mga titik na may tuldik, tulad ng ������. Kailangan ay
gamit niyo ang charset na ISO-8859-15 o UTF-8. Dapat din na suportado
ito ng gamit ninyong locale.

Sa X Window System, maaaring itakda ang tiklado sa talaksang pagkaayos
na /etc/X11/XF86Config-4 (o kung saan man ito sa inyong makina) sa
seksyon "InputDevice" na may Driver na "keyboard" sa pamamagitan ng
opsyon na "us_intl". Halimbawa nito ang sumusunod:


Section "InputDevice"
        Identifier      "Generic Keyboard"
        Driver          "keyboard"
        Option          "CoreKeyboard"
        Option          "XkbRules"      "xfree86"
        Option          "XkbModel"      "pc105"
        Option          "XkbLayout"     "us_intl"
EndSection

Sa Gnome, kailangan din itakda ang gamit na keymap sa "Keyboard
Preferences" (sa Debian, matatagpuan sa Applications/Desktop
Preferences/Keyboard). Piliin ang Layouts sa mga tab. Piliin ang "U.S.
English w/ deadkeys" mula sa "Available layouts" at ilipat sa
"Selected layouts" tapos gawin itong una sa listahan.

Sa Emacs, ang pag-gamit ng M-x iso-accents-mode ay makakatulong sa
pagpasok ng titik tulad ng � o � o � na walang paghihirap.

Sa lahat ng pagkakataong nabanggit, ang pagpasok ng titik na may
tuldik (accent mark) o kilay (tilde) ay napakadali. Una ay ipapasok sa
tiklado ang tuldik/kilay at agad susundan ito ng titik na tutuldikan.

Halimbawa, ang pagpasok ng enye ay ~n. Ang pagpasok ng � ay ^o.

Sa umpisa ay nakakagambala ito sa sanay na sa pagmakinilya o sa
pag-gamit ng tikladong payak. Ngunit sa katagalan ay nakakatulong ito
sa mga gumagamit ng titik na may tuldik o kilay.


-- 
___  Eric Pareja (xenos AT upm.edu.ph) | Information Management Service  [IMS]
\e/  Network and Systems Administrator | University of the Philippines Manila
_v_  [ http://www.upm.edu.ph/~xenos ][GPG: B82E42D9][http://tinyurl.com/68dkm]
 "Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay higit pa sa malansang isda."
--
Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List
[email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph)
Official Website: http://plug.linux.org.ph
Searchable Archives: http://marc.free.net.ph
.
To leave, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/plug
.
Are you a Linux newbie? To join the newbie list, go to
http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/ph-linux-newbie

Reply via email to