Ramil
Ramil Galib wrote:
isang mungkahi lamang po.... maaring maraming magtaas ng kilay
Parating nakataas kilay ko... Sa mga nakakita na ng itsura ko, alam nila na laging nakataas kilay ko, kahit hindi. ;) Ngunit hindi lamang ito ang nais kong imungkahi.
kung ang enye ay maari nang isulat
puede na rin nating ibalik ang mga
simbolo para sa malumay, malumi, mabilis, at maragsa.
Sa totoo lamang, hindi ko maalala kung para saan muli ang mga simbolo para sa mga binabanggit mo na paraan ng pagbigkas.
nakapagtataka kung bakit nawala ang mga iyon sa ngayon kung nagbabasa tayo nang Tagalog, ang pagbigkas ay inaayon sa contextual na kahulugan halimbawa, ang salitang basa.
Talagang nakapagtataka ngunit hindi nakakagulat na nawala ang mga iyon. Ito ay sa kadahilanang sa tagal na ng panahon ng paggamit at pagaaral natin ng ingles ay hindi na nakagawian na gamitin ang mga simbolo para sa pagbigkas. Kung tutuosin, ang wikang tagalog ay dapat isinusulat sa pamamagitan ng alibata at hindi mga letra na hiram mula sa mga banyaga.
Ngayon, kung meron lamang makapagtuturo at makakabasa ng totoong alibata sa sadyang sariling atin, ay mas maayos itong gamitin para maisulat ang wikang Tagalog sa kompyuter at sa dyaryo.
Magandang araw sayo kababayan.
-- Dean Michael Berris ymid: mikhailberis [EMAIL PROTECTED] -- Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List [email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph) Official Website: http://plug.linux.org.ph Searchable Archives: http://marc.free.net.ph . To leave, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/plug . Are you a Linux newbie? To join the newbie list, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/ph-linux-newbie
