Sa darating na Linggo, Ika-23 ng Sep., ay muling gaganapin ang isang
mapa-thon sa Co.Lab X Change, Kapitolyo, Pasig.  Maraming salamat sa mga
mga kaibigan sa Red Cross at mgal lokal na tagapag-taguyond ng
OpenStreetMap na umaasikaso nito.

Simula ng mai-lathala ang mga lugar na ma-mapahin [0] dahil sa pag-salanta
ni Ompong, mahigit 87,000 [1] na gusali na ang naidagdag o na-bago sa mapa
ng OSM.

Sa ngayon, habang sinusulat ko ito,  ang pagmamapa sa lalawigan ng Batanes
& Cagayan ay 76% na tapós, samantalang patuloy pa din ang pag-mamapa sa
maraming bahagi ng Cordillera (37% na tapós) at Isabela (36% na tapós).

Yayain na ang mga kaibigan, at mag-patala na ng libre ngayon sa
https://ti.to/mapamore/ompongph !

Mangyari lang na mag-RSVP dahil limitado ang espasyo, at pumili ng iskedyul
na angkop sa 'yong kalendaryo.  May karagdagan pang detalye sa website.

Paki-bahagi ang paanyayang ito sa iba ninyong mga networks, at kaibigan.

/Erwin

[0]: https://tasks.hotosm.org/contribute?text=ompong
[1]:
http://resultmaps.neis-one.org/osm-changesets?comment=ompongph#9/17.9722/121.6599

-- 

/Erwin Olario

e: er...@ngnuity.xyz | v/m: https://t.me/GOwin | s: https://mstdn.io/@GOwin
_______________________________________________
talk-ph mailing list
talk-ph@openstreetmap.org
https://lists.openstreetmap.org/listinfo/talk-ph

Reply via email to