“Tira ng Tira!” sa Kahapon, Ngayon at Bukas ni Linggoy Alcuaz sa Phil Mnl Sun, ika – 22 ng Hulyo ng 2013 para sa ... Kaybilis ng tatlong linggo. Ika – 26 ng Hunyo nuong unang yumapak kami sa “Manila City Hall” para sa “occular” at “walk thru” para sa “Oathtaking” at “Inaugural” ng bagong halal na Alkalde ng Maynila. Nagtipon-tipon kami sa tanggapan ni Bise Alkalde Isko Moreno. Nguni’t, nahuli ang ibang kapulong namin. Kaya, namasiyal muna kami. Inikot ko ang Bulwagang Rodriguez at isa - isa kong pinagaralan ang mga larawan ng mga naging Alkalde ng Lungsod ng Maynila. Samantala, pumasok at nakiupo si Anghel sa tanggapan ng Manila City Hall Reporters’ Association. Pagdating at pagpasok ko sa “outer office” nito, kung saan nakaupo si Anghel, inanyayahan kami ng isang miyembro o opisyal ng MACHRA ni Ka Mentong sa “inner office”. Sinubukan ni Ka Mentong ang isa sa ilang “computer”. Tahimik naman akong nag “survey” sa kabuuan ng tanggapan liban sa “private” na silid. Iyan ang naging dahilan para banatan kami ni Cynthia “Ichi” Kabayan sa Journal Tonite ng susunod na araw, Huwebes, ika - 27 ng Hunyo. Minasama niya na hindi ako madaldal. Ang masaklap, pinangalanan pa niya kami bilang grupo ni “ALCUAZ” samantalang ako ang pinaka mababa sa ranggo sa buong grupo. Magkakasama kami ni Mang Rodger Vivero (1962)*, Diego Cagahastian (1971)*, Ferdie Ramos (1992)*, Angel Gonong at Ka Mentong Laurel, parehong mahigit isang dosenang taon na nagseserbisiyo kay Erap. “Broken service” naman ang siyam na taon ko kay Erap. Nagsimula ito nuong 1992, sinundan nuong 1996 at 97, 2004 hanggang 2009 at 2010 hanggang sa kasalukuyan. Kami ang magkakatulong nuong panahon ng kampaniya, na natalaga sa PIO ng Maynila, liban kay Mang Rodger. Ngayon magkakasama na kami ng mga “Career Civil Servants” na dati nang nanunungkulan sa Lungsod ng Maynila. Kasama na rin namin si Connie Gonzales bilang Pangalawang Hepe ng PIO at si Bambi Purisima. Sana makasama na rin namin ang ibang mga beterano ng mga tanggapan ni Erap sa 409 Shaw Boulevard at # 15 Hayes St. sa San Juan. Sa unang araw pa lamang, sumugod na ang bagong Administrasiyon ni Erap. Pagkatapos ng “Flag Ceremony” at “Presscon” sa umaga ng Lunes, ika – 1 ng Hulyo, unikot ang bagong Alkalde at namuno sa pagwawalis ng basura at dumi sa ibat ibang palengke at pook. Sa ikalawang Lunes, ika – 8 ng Hulyo, sa Punong Tanggapan ng “Manila Police Department” siya namuno sa “Flag Raising Ceremonies”, “Command Conference” at Press Conference”. Sa ikatlong Lunes, sa City Hall siya namuno sa pagbabasbas ng mga pamatay sunog. Sinundan ito ng isa pang press conference at ang seremoniyang pagwawasak sa mga Video Karera. Nuong nakaraang Huwebes, biglaang humarap si Erap sa mga “Trucker” na nag raly at nagharang ng trapik sa harapan ng gusali ng “Department of Public Highways” sa Port Area sa Roxas Blvd. Pang nacional na problema iyon ngunit pinasok ni Erap. Ngayong linggo lamang, medyo makakapahinga si Erap dahil, araw ng SONA nuong nakaraang Lunes. Kaya sunod sunod ang puna at sisi kay PNoy, dalawang bagay na hinding hinding ginagawa ni Erap.
-- You received this message because you are subscribed to the Google Groups "Center for Good Governance" group. To unsubscribe from this group and stop receiving emails from it, send an email to [email protected]. To post to this group, send email to [email protected]. Visit this group at http://groups.google.com/group/center-for-good-governance. For more options, visit https://groups.google.com/groups/opt_out.
