Noong Lun, Peb 21, 2005 ng 03:55:39PM +0800, sinabi ni Anuerin Diaz: > On Mon, 21 Feb 2005 15:35:40 +0800, Zak B. Elep <[EMAIL PROTECTED]> wrote: > > > <snip> > > > > > -y Assume Yes to all queries and do not prompt > > Ipagpalagay na Oo ang sagot sa lahat ng itatanong; wag > > mag-tanong > > > <snip> > > Bakit parang word-for-word ang ginagawang pagsasalin? Para kasing > hindi natural ang dating. Mungkahi ko na gawing parang ganito na lang: > > "Huwang ng magtanong at ipagpalagay na Oo ang sagot sa lahat ng > (dapat) itatanong."
Ganito ang kailangan na mga puna para maging mas-akma ang pagsalin. Ang unang pagsalin, katulad ng open source software, ay hindi nakataga sa bato. Umpisa lamang ito ng pagsisikap na maisalin ng buo ang software na ito, kaya't minsan ay minamadali din ang pagsalin para lamang maipasok sa pamudmod. Ang mga pagsalin sa kasalukuyan ay unang pasada pa lamang at hindi pa dumadaan sa pagsusuri ng iba, kaya't makikitang may kakulangan pa. Ganoon din ang software na kinagigiliwan natin dito sa PLUG. Hindi kaagad pulido ang ibang ginagamit natin, ngunit pwede na. Kung nais niyong maging "reviewer" o "critic" ng pagsasalin, maaari din kayong lumahok sa debian-tl (http://banwa.upm.edu.ph/mailman/listinfo/debian-tl) ng makatulong kayo sa pagsulong ng pagsalin. Katulad din ng paggawa ng Open Source Software, hindi naman lahat ay kinakailangang marunong mag-program, kundi ang mga mungkahi, puna, at pagbigay ng kritisismo ay maaaring mapagyaman ang gawaing pagsalin. -- ___ Eric Pareja (xenos AT upm.edu.ph) | Information Management Service [IMS] \e/ Network and Systems Administrator | University of the Philippines Manila _v_ [ http://www.upm.edu.ph/~xenos ][GPG: B82E42D9][http://tinyurl.com/68dkm] "Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay higit pa sa malansang isda." -- Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List [email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph) Official Website: http://plug.linux.org.ph Searchable Archives: http://marc.free.net.ph . To leave, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/plug . Are you a Linux newbie? To join the newbie list, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/ph-linux-newbie
