On Mon, 21 Feb 2005 16:17:33 +0800, eric pareja <[EMAIL PROTECTED]> wrote: > Noong Lun, Peb 21, 2005 ng 03:55:39PM +0800, sinabi ni Anuerin Diaz: > > On Mon, 21 Feb 2005 15:35:40 +0800, Zak B. Elep <[EMAIL PROTECTED]> wrote: > > > > > <snip> > > > > > > > -y Assume Yes to all queries and do not prompt > > > Ipagpalagay na Oo ang sagot sa lahat ng itatanong; wag > > > mag-tanong > > > > > <snip> > > > > Bakit parang word-for-word ang ginagawang pagsasalin? Para kasing > > hindi natural ang dating. Mungkahi ko na gawing parang ganito na lang: > > > > "Huwang ng magtanong at ipagpalagay na Oo ang sagot sa lahat ng > > (dapat) itatanong." > > Ganito ang kailangan na mga puna para maging mas-akma ang pagsalin. Ang unang > pagsalin, katulad ng open source software, ay hindi nakataga sa bato. Umpisa > lamang ito ng pagsisikap na maisalin ng buo ang software na ito, kaya't > minsan ay minamadali din ang pagsalin para lamang maipasok sa pamudmod. Ang > mga pagsalin sa kasalukuyan ay unang pasada pa lamang at hindi pa dumadaan sa > pagsusuri ng iba, kaya't makikitang may kakulangan pa. Ganoon din ang > software na kinagigiliwan natin dito sa PLUG. Hindi kaagad pulido ang ibang > ginagamit natin, ngunit pwede na. > Kung nais niyong maging "reviewer" o "critic" ng pagsasalin, maaari din > kayong lumahok sa debian-tl > (http://banwa.upm.edu.ph/mailman/listinfo/debian-tl) ng makatulong kayo sa > pagsulong ng pagsalin. > > Katulad din ng paggawa ng Open Source Software, hindi naman lahat ay > kinakailangang marunong mag-program, kundi ang mga mungkahi, puna, at > pagbigay ng kritisismo ay maaaring mapagyaman ang gawaing pagsalin. > > <snip>
salamat. wala naman akong angal sa pagbibigay ng oras (kung mayroon man) dahil medyo interesado ako sa mga ganitong proyekto kahit di ako gumagamit ng debian. ang isa pa ay mayroon lang akong internet access dito sa opisina at nasa loob ng isang mahigpit na firewall kaya piling uri lamang ng komunikasyon ang pwede kong gawin. kung ang paraan nyo ng pag-lilikom ng mga natapos ng gawa ay sa pamamagitan ng subversion na dumadaan sa http ay sama ako dyan. kung hindi naman ay baka meron kayong paraan para makapag-ambag din ako kahit sa pamamagitan lang ng email. ciao! -- "Programming, an artform that fights back" Anuerin G. Diaz Registered Linux User #246176 Friendly Linux Board @ http://mandrakeusers.org/index.php -- Philippine Linux Users' Group (PLUG) Mailing List [email protected] (#PLUG @ irc.free.net.ph) Official Website: http://plug.linux.org.ph Searchable Archives: http://marc.free.net.ph . To leave, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/plug . Are you a Linux newbie? To join the newbie list, go to http://lists.q-linux.com/mailman/listinfo/ph-linux-newbie
